SRA administrator nagbitiw sa puwesto
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang ang pagbibitiw sa puwesto ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica na agad namang tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Si Executive secretary Vic Rodriguez ang nagkumpirma sa usaping ito kasunod ng lumabas na dokumento ukol sa ginawang pagtanggap ng Malacañang sa resignation nito na may petsang August 15, 2022.
Kinumpirma naman sa Facebook post ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na tinanggap ni Pangulong Marcos ang resignation letter nina Serafica, gayundin si Atty. Roland Beltran ng Sugar Regulatry Board.
Si Serafica ang ikatlong opisyal ng SRA na nagbitiw sa gitna ng kontrobersyal na pag-iisyu ng Sugar Order No. 4 na kung saan ay nauna nang nagbitiw si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian at Beltran na kumakatawan sa sugar millers sa Sugar Board.
Iginiit ni Angeles na ang SRO 4 ay itinuturing na illegal dahil ang inisyu nilang resolusyon ay walang approval ni Pangulong Marcos na siyang tumatayo bilang Agriculture Secretary at siya ring chairperson ng board.
- Latest