^

Police Metro

Pati graduating students, Students’ guardians,‘di kasali sa libreng sakay ng LRT-2

Mer Layson - Pang-masa
Pati graduating students, Studentsâ guardians,âdi kasali sa libreng sakay ng LRT-2
This June 2021 photo shows LRT Line 2 East Extension Project.
interaksyon / Facebook / Jun-Andeng Ynares

MANILA, Philippines — Hindi kasali ang mga graduate school students at mga guardians ng mga estudyante sa libreng sakay ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ito ang nilinaw kahapon ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera kasunod na rin nang nakatakdang pagpapatupad ng Libreng Sakay ng LRT-2 para sa mga estudyante simula sa Agosto 22, Lunes, na siya ring unang araw ng klase sa bansa hanggang Nobyembre 5, 2022.

Ayon kay Cabrera, sa kanilang pagtaya ay aabot sa hanggang 25,000 estudyante kada araw ang sasakay ng LRT-2 sa pagbubukas ng klase.

Gayunman, ito’y mula Lunes lamang hanggang Sabado at hindi kasama ang mga araw na walang pasok, gaya ng araw ng Linggo at holidays.

Pagsapit naman aniya ng Nobyembre 6 ay ibabalik nila ang ipinagkakaloob na 20% fare discount para sa mga estudyante, senior citizens, at persons with disability (PWDs).

Kinakailangan lamang aniya ng mga estudyante na ipakita ang kanilang school ID at orihinal na enrollment form sa passenger assistance booth upang mabigyan sila ng single journey ticket para sa libreng sakay.

LRT-2

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with