^

Police Metro

Walang trabaho nadagdagan pa sa pagkawala ng e-sabong

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagkawala ng e-sabong sa bansa ay lalong nadagdagan pa ang bilang ng mga walang trabaho.

Batay sa June 2022  Labor Force Survey ng PSA, lumitaw na mahigit sa 2.9 milyong Pilipino ang jobless na karaniwan sa kanila ay galing sa mga maliliit na negosyo tulad ng retail online o direct sales.

Ayon sa Nagkakaisang Samahan ng Game Fowl Feed Millers at Agri-vet Suppliers, P19 bilyon ang kanilang industriya na napilay ng suspensiyon ng e-sabong.

Sa panig naman ng United Association of Cockpit Owners and Ope­rators of the Philippines, Incorporated (UACOOP), ang pinagsamang bilang ng mga full time at part time employed sa cockpit operation ay higit sa 1.5 milyon.

Sa allied farm industry naman gaya ng feed mil-lers at agri vet supplier ay may 265,000 na employed na ayon sa UACOOP, si-mula noong Mayo ay wala nang 10% sa mga ito ang natirang may trabaho.

 Ang mga online betting stall na maraming workers sa kasagsagan ng popularidad ng e-sabong ay nawalan na rin ng trabaho na ilan dito ay tauhan ni Elvira Tan.

Sa kasagsagan ng e-sabong industry ay tina­tayang makalilikom ng P650 milyon na kita kada buwan para sa PAGCOR at hindi bababa sa P1.37 bil­yon ang nakolekta mula sa pitong licensed e-sabong operators mula January hanggang March 15, 2022.

Nang ipasara ang e-sabong, tinataya ng PAGCOR ang revenue loss na hanggang P5 bilyon para sa 2022.

E-SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with