Sen. Robin inihirit ang cable cars sa Metro Manila bilang solusyon sa trapik

Senator-elect Robin Padilla attends a briefing on legislative process at the Senate of the Philippines on Tuesday, June 14 2022.
Senate PRIB / Released

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sena-tor Robin Padilla ang paglalagay at paggamit ng cable cars sa Metro Manila para matugunan ang problema sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Ito ang mungkahi ni Padilla sa plenary session kamakalawa na gumamit ng ropeway o paggamit ng cable matapos na manawagan si Senador JV Ejercito para sa pagpapabuti ng railway system sa bansa.

Giit pa ng Senador, bagay ito sa Pilipinas lalo na sa Metro Manila ang cable car dahil sa matinding traffic dahilan para hindi umuunlad ang bansa.

Idinagdag pa ni Padilla na ang maayos na transportation system ay makatutulong sa traffic, at ang pagpapaganda ng mga riles ay makatutugon din dito.

Kailangan naman umano  sa geographical setting ng bansa ang mga tren.

Show comments