^

Police Metro

Dating Pangulong FVR, inilagak na sa Libingan ng mga Bayani

Danilo Garcia - Pang-masa
Dating Pangulong FVR, inilagak na sa Libingan ng mga Bayani
Inihatid na kaha­pon sa kan­yang huling hantu-ngan sa Libingan ng mga Bayani at binigyan ng full military honor si dating Pa-ngulong Fidel V. Ramos na naging pangulo ng bansa mula 1992-1998 na namatay dahil sa kumplikasyon ng COVID sa edad na 94 noong Hulyo 31, 2022.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Inilagak kahapon sa kanyang huling hantu-ngan sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Fidel V. Ramos na pumanaw noong Hulyo 31.

Ginawaran si Ramos, ika-12 Pangulo ng bansa ng state funeral with full military honors.

Mula sa Heritage Park, Taguig City dumating ang urn na naglalaman ng  abo ng dating presidente sa Presidential Section Gravesite lampas alas-11:00 ng umaga. Ang military chaplain naman ang nagsagawa ng final benediction.

Iniabot ni newly-installed Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang funeral flag sa asawa ni Ramos, si dating First Lady Amelita Ramos.

Kabilang sa mga du-malo sa libing ni Ramos ay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa pamilya ng dating Pangulo, si Ramos mismo ay nagsagawa ng ocular inspection sa Libi-ngan ng mga Bayani upang matukoy ang pwesto kung saan siya ililibing.

Kabilang sa mga awi-ting pinatugtog matapos ang pagtupi ng funeral flag ang “Alerta Filipinas,” “How Great Thou Art,” at “The Lord’s Prayer,” na bahagi ng hiling ni Ramos.

Isinilang noong Marso 18, 1928, sa Lingayen, Pa­ngasinan, na anak ng diplomat at mambabatas na si Narciso Ramos at ng educator na si Angela Valdez, nagtapos siya ng mi­li­tary engineering degree sa US Military Academy sa West Point. - Mer Layson, Joy Cantos

FIDEL V. RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with