^

Police Metro

Mag-asawang senior patay sa sunog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang si­napit ng isang mag-asawang septuagenarian nang ma-trap sa loob ng nasusunog na bahay at kasamang tinupok ng apoy sa BF Homes, Almanza Dos, Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Las Piñas City Police ang mga biktimang sina Rolando B. Tablizo, 78-anyos at  misis niyang si Hortencia, 78-anyos, kapwa residente ng No. 14 Lovely Road ng natu­rang subdibisyon.

Nadiskubreng nag-a­apoy ang bahay ng mga biktima alas-10:00 ng gabi ng Agosto 5, na idineklarang fire-out alas-11:00 ng gabi.

Unang rumesponde ang mga tauhan ng Las Piñas Police Sub-Station 6 at mga barangay tanod ng Brgy. Almanza Dos, bago pa dumating ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa kapitbahay ng mga biktima na si Eva Pineda, dakong alas-6:00 ng gabi nang dumating umano ang mag-asawa na nakitang pumasok sa kanilang bahay.

Nakarinig din ang mga residente ng dalawang ma­lakas na pagsabog mula sa nasabing bahay bago ang pagsiklab ng apoy. Nadamay ang isang Ford Ranger (NAO-9269) sa garahe ng mga biktima na nasunog.

 

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user