Presyo ng LPG, bumaba

Ang Petron ay nagbaba ng P0.40 sa kada kilo ng LPG  habang P0.22 sa kanilang auto-LPG. Habang may P0.36  naman ang ibinaba sa presyo ng Solane LPG.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng pagbaba ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) kahapon.

Ang Petron ay nagbaba ng P0.40 sa kada kilo ng LPG  habang P0.22 sa kanilang auto-LPG. Habang may P0.36  naman ang ibinaba sa presyo ng Solane LPG.

Sinasabing ang  rollback ng  presyo  ay bunga ng pag­baba ng international contract price  ng LPG.

Ang LPG price rollback ay sa gitna naman ng patuloy  na pagtaas ng halaga ng gasolina, diesel at kerosene.

Show comments