Drug bust: 8 timbog sa higit P700K shabu

MANILA, Philippines — Walong katao kabilang ang isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ferdinand Calaguas, alyas Ferdie, 55, miyembro ng Commando Gang, ng Gagalangin, Tondo at pito nitong parukyano na sina Roland Opiz, 46; Jeffrey Mariano, 48; Anselmo Avila, 45; Jose Rodriguez, 48; Mark Glenn Gonzales, 22; Anna Marie Aguilar, 31; at Haila Balayanan, 29.

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi nang ikasa ng mga otoridad ang buy-bust ­operation sa kanto ng Herrera at Lacson Streets sa Brgy. 344 Sta. Cruz, Maynila at target si Calaguas na notoryus sa lugar.

Nagpanggap ang isang pulis na buyer at nang magkaabutan ng items ay dito na inaresto si Calaguas at pito nitong parukyano na bibili ng droga at nasamsam ang nasa 116 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P788,000.

Nahaharap si Calaguas sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 (Distribution and Illegal Po­ssesion of Illegal Drugs) na walang piyansa habang ang iba pa ay nahaharap sa kasong “possesion of illegal drugs”.

Show comments