23% ng milyong Pinoy wala pang bakuna, booster shots vs COVID-19

This undated photo from the National Task Force against COVID-19 shows a woman getting vaccinated against COVID-19.
National Task Force Against COVID-19

MANILA, Philippines — Nasa 23% ng milyong Pinoy, kabilang ang mga seniors citizens ang wala pang bakuna at booster shot laban sa COVID-19, kaya dapat manatili muna sa Alert Level 1 ang malaking bahagi ng bansa.

“As long as the numbers on severe and critical cases remain low, Alert Level 1 should stay in place where it is in effect,” pahayag ni Senior Citizens  Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes.

Aminado si Ordanes na mahihirapang maabot ang Alert level 0 dahilan sa marami  pa ang may takot magpabakuna at milyon pa rin ang walang booster shots.

Sinabi ni Ordanes na iba na ang kondisyon ­ngayon kumpara noong 2020 at 2021.

Aniya, ang magagawa ng gobyerno sa kasalukuyan ay tiyakin na ang hindi pa nababakunahang senior citizens, PWDs, mga bata, tinedyer at mga manggagawa ay ligtas.

Sinabi ng solon na habang marami pa ang hindi bakunado at walang booster shot ay nananatili ang seryosong banta sa kalusugan.

Idinagdag pa ni Ordanes na nalalapit na ang pagbubukas ng klase sa Hulyo, Agosto, Setyembre at Oktubre na maaaring tumaas ang hawaan o banta ng panganib sa COVID-19 kaya dapat siguraduhin ng pamahalaan na ligtas ang mga kabataang ­estudyante at kanilang mga guro gayundin ang iba pang education personnels.

Show comments