K-12 program pag-aralan ‘di dapat lusawin

MANILA, Philippines — Hindi dapat abandonahin ang K-12 program sa halip ay pag-aralan munang mabuti dahil hindi pa ito naipapatupad ng maigi.

Ito ang pananaw ni Senador Sonny Angara, kabilang sa mga pangakong hindi naipapatupad ay ang maayos ha science track o arts at sports track para sa Grade 11-12 na hanggang ngayon ay hindi nakikita sa lahat ng parte ng bansa.

Isa lang umano ito sa maraming pag-uusapan dapat sa implementasyon ng K12.

Bukod pa umano rito ang isyu ng pondo na kailangang tugunan at mabigyan ito ng focus dahil nagbukas na ang bansa pa rekober na ang ekonomiya.

Ang reaksyon ng Senador ay dahil sa pahayag ni Vice-president elect Sara Duterte na ipinarerepaso ni President-elect Bongbong Marcos ang K-12 program dahil mayroong mga panawagan na i-abolish na lamang ito.

Giit pa ni Angara, maaaring magbigay ng akmang pondo para rito sa Edukasyon.

Show comments