Guro na wanted sa kasong rape, inaresto sa paaralan

MANILA, Philippines — Isang gurong lalaki na nakatala bilang No.1 most wanted sa kasong panghahalay ang inaresto sa loob ng paaralan na kanyang tinuturuan sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Inaresto ng mga pulis­­ ang suspek na si Arnold­ Albert Punzalan, 29, ele­mentary teacher sa bisa ng warrant of arrest sa dala­wang bilang na kasong­ rape na inisyu ni Manila Regional Trial Court Branch 43 Judge Roy Gironella.
Sa ulat ng pulisya, alas-11:30 ng tanghali nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Station 8 si Punzalan habang nasa loob ng isang silid-aralan sa pinapasukan niyang paaralan.

Walang inilaan na piyansa para sa pansaman­talang kalayaan ni Pun­zalan dahil sa bigat ng kaniyang kinakaharap na kaso na isang heinous crime.

Show comments