Villar out na sa Senate prexy race

Sinagot din ni Villar ang tanong kung susuportahan ba niya si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, na interesado rin sa Senate presidency.
The STAR / Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Inilahad kahapon ni Senator Cynthia Villar na hindi na niya hangad ang Senate presidency sa sunod na Kongreso.

“Wala ng SP race,” ani Villar, at sinabi pang hindi na siya interesado sa pwesto.

Sinagot din ni Villar ang tanong kung susuportahan ba niya si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, na interesado rin sa Senate presidency.

Ayon kay Villar, napag-usapan na nila ito ni Zubiri  nang magkita sila sa Commission on Appointments hearing.

Matatandaang sinabi ni Zubiri na ang karanasan niya bilang mambabatas ang lamang niya sa iba pang aspirants para sa top Senate post.

Show comments