^

Police Metro

Ginang utas sa suntok ng lover na naingayan sa karaoke

Arnell Ozaeta - Pang-masa
Ginang utas sa suntok ng lover na naingayan sa karaoke
Kinilala ang nasawi na si Gimm Montana, stay-in worker sa Miguel and Maria Resort, na nasa Sitio Silangan, Barangay Juan Santiago.
File

MANILA, Philippines — Isang 26-anyos na ginang ang nasawi matapos suntukin ng kanyang live-in partner sa gitna ng kanilang pagtatalo dahil sa ingay ng karaoke kahapon ng madaling araw sa pinagtatrabahuhang resort sa Sta Maria, Laguna.

Kinilala ang nasawi na si Gimm Montana, stay-in worker sa Miguel and Maria Resort, na nasa Sitio Silangan, Barangay Juan Santiago.

Batay sa ulat ng pulisya, kasama ng mag-lover sa inuman ang mga kasama sa trabaho noong Linggo ng gabi hanggang Lunes ng madaling araw.

Nauna na umanong natulog ang suspek sa kanilang quarter, subalit nang pumasok ang biktima, alas 3:00 ng madaling araw ay dala nito ang nakabukas na portable karaoke dahilan para maingayan at ma­gising ang una.

Kinompronta ng suspek ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo at sinapok ng una ang biktima sa balikat, subalit sa gilid ng leeg tumama dahilan para bumulagta at tuluyang bawian ng buhay.

Naaresto ng nag­respondeng mga pulis ang suspek na nadatnang umiiyak sa loob ng kanilang bahay hindi kalayuan sa resort.

KRIMEN

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user