PNP paiigtingin pa ang giyera sa droga sa bagong administrasyon

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30 ay tuloy at mas paiigtingin pa ng Philippine National Police ang kani­lang kampanya laban sa illegal drugs.

Ito ang sinabi ni  PMGen. Valeriano T. De Leon at naglabas sila ng direktiba sa lahat ng mga police com­manders na doblehin ang kampanya laban sa illegal drugs na patuloy na namamayagpag.

Sinabi ni De Leon na may bagong istratehiyang gina­gawa ang PNP upang masawata ang operasyon ng mga drug syndicate at dodoblehin din ang information drive at education campaign sa mga estudyante na kada­lasang target na customers ng illegal drug syndicates.

Naniniwala si De Leon na papaboran ni incoming President Ferdinand Marcos ng kampanya ng PNP laban sa droga.

Show comments