^

Police Metro

Kung papabor ang SC sa petisyon vs Marcos ‘Constitutional crisis’ nakaamba

Gemma Garcia - Pang-masa
Kung papabor ang SC sa petisyon vs Marcos âConstitutional crisisâ nakaamba
Hinimok din ang SC na baligtarin ang resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) at pagbigyan ang petisyon para sa disqualification ni Marcos.
Philstar.com / Erwin Cagadas

MANILA, Philippines — Nagbabala si Senate President Vicente Sotto III na posibleng magdulot ng constitutional crisis sakaling pagbigyan ng Korte Suprema ang petisyong temporary restraining order (TRO) laban sa nakatakdang pag-canvass ng Senado at Kamara sa mga botong nakuha ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pagpoproklama rito bilang pangulo ng bansa.

“If that happens, we will be courting a constitutional crisis from the fact that Congress can no longer meet after June 3rd,” ani Sotto sa kanyang text message.

“Who will then conduct the canvass as mandated by the [Constitution]? July 25 is a key date for Congress. So, no President or [Vice President] by June 30? What do they propose? Holdover? Tell me if that is not a crisis!” dagdag niya.

Nitong Miyerkules, nang maghain ang martial law survivors, religious at youth rights advocates, at ang Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (Carmma) ng petisyon sa Korte Suprema para ipatigil ang canvassing ng mga boto para sa kandidato sa pagka-pre­sidente at bise presidente.

Hinimok din ang SC na baligtarin ang resolusyon ng Commission on Elections (Comelec) at pagbigyan ang petisyon para sa disqualification ni Marcos.

Maliban dito, umapela rin ang mga petitioner sa SC na kanselahin ang certificate of candidacy ni Marcos.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na walang saysay ang mga petisyon dahil hindi naman pwedeng pigilan ng High Court ang Kongreso, na nagsisilbing National Board of Canvassers (NBOC), sa pagganap ng mandato nito sa ilalim ng Konstitusyon.

FERDINAND MARCOS JR.

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with