Seguridad sa canvassing areas, ipatupad sa poll protest rallies — DILG

PPCRV volunteers count votes in the partial unofficial tally in the Quadricentennial Pavillion, UST, May 11. Bongbong Marcos Jr. leads the polls.
Philstar / Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — “Paigtingin ang seguridad sa lahat ng canvas­sing areas at ipagpatuloy ang pagpapatupad ng ma­ximum tolerance sa lahat ng poll protest rallies.”

Ito ang naging kautusan kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police (PNP) dahil sa  pag­lulunsad ng mga kilos pro­testa ng ilang supporters ng mga kandidatong na­talo sa ha­lalan dahil sa umano’y nagkaroon ng dayaan.

Kinikilala ni Año ang karapatan ng mga mamamayan na magpahayag ng kanilang sentimyento at reaksiyon ngunit nanindigan na ito’y dapat isagawa nang naaayon sa batas.

Kasabay nito, sinabi ng DILG chief na ang halalan noong Mayo 9 ay mapayapa at maayos kaya’t dapat aniyang anta­bayanan na lamang ng publiko ang opisyal na proklamasyon sa mga na­nalo at irespeto ang boses ng nakararami.

Giit pa niya, dapat na magtulungan na lamang ang mga mamamayan para sa kabutihan ng bansa at ng mga mamamayan nito.

Hinikayat rin niya ang mga demonstrador na ihain ang kanilang mga protesta at reklamo sa mga kinau­ukulan, partikular na sa Commission on Elections (Comelec).

Show comments