Robredo, matatag ang pagtugon sa isyu ng pambansang seguridad

MANILA, Philippines — Nagpapakita si Vice President Leni Robredo ng “katatagan sa gitna ng kagipitan” sa gitna ng mga usaping may kaugnayan sa pambansang seguridad.

“Marami lang nag-underestimate dahil dalagang Filipina siya kung umasta, pero matibay po ang kalooban ni VP Leni,” ani dating senador Antonio “Sonny” Trillanes.

Sabi ni Trillanes na kaya ni Robredo na maglayag sa masalimuot na kalagayan ng patakarang panlabas at makabuo ng pinakatamang posisyon para sa bansa.

Ayon sa senador, hindi natatakot si Robredo na gumawa ng matalinong pagpapasya. “Merong stability under pressure si VP Leni.

Nauna nang kinondena ni Robredo ang giyerang agresyon ng Russia laban sa Ukraine. Sinabi ng bise presidente na mahalagang tutulan ang isang “unprovoked aggression.”

Sabi ni Trillanes na tama ang desisyon ni Robredo at nararapat na magbigay din ng tindig ang Pilipinas hinggil sa krisis sa Ukraine at huwag manatiling neutral sa kaguluhan.

Show comments