19 Pinoy sa Ukraine, ‘di makaalis — DFA

MANILA, Philippines — Sa patuloy na kaguluhan sa bansang Ukraine ay may 19 na Pinoy ang nananatili pa rin sa Kyiv na kabisera ng nasabing bansa.

Ito ang sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, na ang mga Pinoy na nasa Kyiv ay hindi makaalis dahil sa maraming kadahilanan.

Kabilang sa mga dahilan ay mayroong asawang Ukrainian  na hindi maa­aring humiwalay sa pamilya o kung mayroong kasamang employer.

Matatandaan na itinaas  ng DFA sa Alert Level 4 ang Ukraine, na nangangahulugan ng mandatory repatriation ng mga Pinoy na naroroon at sa kabuuan, wala pang 100 Pilipino ang nananatili sa Ukraine.

May 41 na Pinoy ang nakalabas na ng Ukraine at nanatili pansamantala sa ibang bansa sa Europa habang naghihintay ng biyahe pabalik ng Pilipinas.

Show comments