Campaign song ni Diokno patok sa netizens

MANILA, Philippines — Pumatok sa netizens ang bagong campaign song ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na inilabas noong Lunes na may pamagat na “Chel Ka Lang”s, na ang tono’y hango sa kantang “Cool Ka Lang.”

Umani ng papuri mula sa netizens ang bagong kanta na nakaka-LSS o Last Song Syndrome, ayon sa maraming nagkomento sa Facebook page ng human rights lawyer.

Kapag nanalong senador, isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang nilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan. Paiigtingin din ni Diokno ang barangay justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kakayahan ng Lupong Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyung legal.

Makatutulong ang pagpapalakas ng barangay justice system para mabawasan ang kaso sa mga hukuman dahil mareresolba na ito sa barangay pa lang.

Show comments