Oil price hike sa selebrasyon ng Chinese New Year

MANILA, Philippines — Ngayong araw ng Martes kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year ay muling bumulaga sa mga motorista ang bagong price adjustment ng mga produktong petrolyo.

Simula ng buwan ng Enero ay ito na ang ikalimang sunod na pagtaas ng presyo ng langis dulot din ng galawang presyo sa pandaigdigang merkado.

Pagtuntong ng alas 6:00 ng umaga ng Pebrero 1, 2022 ay ipatutupad ng Petron Corporation at Pilipinas Shell, at ng ilang independent oil players ang dagdag na P0.75 sa kada litro ng diesel at gasolina habang P0.45 naman ang patong sa presyo ng kerosene.

Una nang magpap-iral ng katulad na presyo ang Chevron Philippines, pagsapit pa lang ng  alas-12:01 ng madaling araw ng Martes.

Ang PTT Philippines, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, Unioil Philippines naman ay kaparehong dagdag din sa presyo ng kanilang mga diesel at gasoline products alas 4:01 ng hapon ng Martes.  

Show comments