‘No physical contact policy’ sa ­kampanya, mahirap ipatupad - DILG

MANILA, Philippines — Inamin ng isang ­opis­yal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahihirapan silang ipatupad ang ‘no physical contact policy’ sa panahon ng kampanyahan para sa May 9, 2022 polls ngunit tiniyak na gagawin nila ang lahat upang mahigpit itong maipairal.

Nilinaw rin ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na hindi ang DILG ang nag-utos na ipatupad ang naturang polisiya kundi ang Commission on Elections (Comelec), sa pamamagitan ng resolusyon na inisyu nito.

“Ako at the onset, sasabihin ko sa iyo medyo mahirap po talagang ipatupad itong mga policy na ito but we will do our best insofar as the DILG is concerned,” aniya pa.

Sinabi rin ni Malaya na nagpalabas na si DILG Secretary Eduardo Año ng advisory para sa lahat ng local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) hinggil sa mga campaign activities na pinapayagan at hindi pinapayagan sa panahon ng halalan.

Ipinaliwanag naman ni Malaya na ang mga ipinagbabawal na aktibidad ay depende sa Alert Level na umiiral sa isang lugar.

Show comments