^

Police Metro

Kailangang humingi ng paumanhin ang gobyerno sa kalituhan sa ‘no vax, no ride’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kailangang hu­mingi ng paumanhin ang gobyerno sa publiko sa idinulot na kalituhan sa pagpapatupad ng ‘no vax, no ride policy’ sa mga pampublikong transportasyon.

Ito ang pag-amin kahapon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na ‘exempted’ o hindi kabilang ang mga empleyado sa ipinatutupad na polisiya dahil sa nagbibigay sila ng ‘essential service’.

“I think there’s a reason for us to apologize to the public for that kasi [because], as I was telling Secretary Karlo [Nograles], kailangan pa ng [we need] massive information drive about this policy,” paliwanag ni Bello sa panayam ng CNN Philippines.

Napanood rin ni Bello ang video ng isang babaeng empleyado na hinuli ng mga otoridad at hindi pinayagan na makasakay dahil sa isang dose pa lamang ng COVID-19 vaccine ang kaniyang natatanggap.

Ipinaalala ni Bello na kailangan lamang ipakita ng isang manggagawa ang kanilang company identification card para mapayagan silang makasakay.  Mas mainam rin umano kung mayroon silang sertipikasyon mula sa kanilang employer at kailangan nilang magpa­kita sa kanilang kumpanya.

Ang naturang polisiya ay ipinatupad sa National Capital Region na nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang katapusan ng buwan.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with