^

Police Metro

Kaso ng Omicron kalat na sa 15 lugar sa Metro Manila - DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
Kaso ng Omicron kalat na sa 15 lugar sa Metro Manila - DOH
People cross a street to shop in the Divisoria district of Manila on November 30, 2021.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Labinlimang lugar sa Metro Manila ang nakapagtala na ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19. base sa resulta ng ‘genome sequencing’ ng Department of Health (DOH).

Hindi naman tinukoy ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman ang mga partikular na lugar na nakitaan ng Omicron cases na kaniya nang tinukoy na ‘dominant variant’ na sa Metro Manila.

“Our latest whole genome sequencing showed that the Omicron variant is now the predominant variant in the National Capital Region,” ayon kay De Guzman.

Bukod sa 15 sa 17 lugar sa Metro Manila, natukoy na rin ang Omicron sa 13 sa 17 rehiyon sa bansa.

Masasabi umano nga­yon na ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay dulot ng mas nakakahawang Omicron variant, ayon pa kay De Guzman.

Unang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na binubuo na ng Omicron variant ang 90% ng resulta ng kanilang genome sequencing.

Mas nakatulong pa umano sa pagtaas ng mga kaso ang mas malayang paggalaw ng publiko, pagluluwag sa pagsunod sa ‘health protocols’, at maging pagkaantala sa pagtukoy at agarang paghiwalay sa mga pasyenteng naimpeksyon.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon nang ‘community transmission’ ng Omicron variant sa NCR at nakikita na nagkakaroon na rin ng parehong sitwasyon sa Region IV-A, Region II, CAR, Region VI, VII at V.

COVID-19

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with