^

Police Metro

7 botika sa NCR, magtuturok na ng COVID-19 vaccine

Gemma Garcia - Pang-masa
7 botika sa NCR, magtuturok na ng COVID-19 vaccine
This March 2021 photo shows a health worker holding the syringe of a COVID-19 vaccine
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Upang makatulong ang pasanin ng mga vaccinator na nagkakasakit ay inilunsad ng pamahalaan sa Huwebes at Biyernes  ang “Resbakuna sa Botika” sa Metro Manila.

Sinabi ni testing czar Secretary Vince Dizon sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ito ay sa pitong botika lamang sa Metro Manila para sa isang linggong pilot test at pagkatapos nito ay gagawan na ito sa mga botika sa buong bansa.

Bukod sa dagdag na venue, mapapabilis din umano ng “Resbakuna sa mga Botika” ang pagbabakuna at makakatulong sa pasanin ng mga nagkakasakit sa vaccinators.

Nakausap na umano niya ang mga malalaking drugstores sa gagawing hakbang para mas mapa­lawak pa ang pamimigay ng COVID vaccines.

Matapos  naman umano ang isang linggong pilot test sa Metro Manila ay ilalarga na ito sa mga lalawigan sa buong bansa.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with