^

Police Metro

Bagets hinabol ng aso nag-dive sa ilog, nalunod

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kamatayan ang ­naging resulta ng pagkatakot na makagat ng aso ang isang 14-anyos na binatilyo kaya’t tumalon ito sa ilog at nalunod kamakalawa sa Brgy. Litlit, Silang Cavite.

Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay nakilalang si Jhon Emerson Basilan, estudyante, residente ng Sitio Talon ng nasabing barangay.

Sa ­imbestiga­syon, bago naganap ang insidente, alas-6:00 ng gabi ay naglalaro ang biktima kasama ang mga kaibigan ng taguan nang ito ay habulin ng aso.

Upang makaiwas ay tumalon ito sa ilog at dahil sa may kalaliman ay tuluyan itong lumubog at nalunod.

Tinangka pa itong ­iligtas ng kaniyang lolo at nang maiahon ay agad itinakbo sa pagamutan, subalit hindi na ito naisalba pa.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with