241 diplomatic protest naisampa ng Pilipinas vs China

Ito ang sinabi ni De­puty Assistant Secretary Myca Magnolia Fischer ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagdalo niya sa pagdinig ng Se­nate Committee on Fo­reign Relations kaugnay sa Philippine Maritime Zones Bill.
SFP / File

MANILA, Philippines — Nasa 241 ang diplomatic protest na isinampa ng Pilipinas laban sa pang­hihimasok at panggi-gipit ng China sa West Philippine Sea mula noong 2016 matapos na makuha ng Pilipinas ang tagumpay mula sa arbitration case sa naturang teritoryo.

Ito ang sinabi ni De­puty Assistant Secretary Myca Magnolia Fischer ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagdalo niya sa pagdinig ng Se­nate Committee on Fo­reign Relations kaugnay sa Philippine Maritime Zones Bill.

Paliwanag ni Fischer, ang 226 na protesta ay isinampa sa ilalim ng panunungkulan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Kabilang umano dito ang 183 diplomatic protest na dahil sa presensya ng mga chinese vessels sa maritime zones ng bansa partikular sa Pag-Asa island at Julian Felipe reef.

Sa naturang bilang ng mga protesta, tumugon ang China sa 152 at sa kanilang sagot ay iginiit nila ang kanilang posisyon tungkol sa West Philippine Sea.

Iginiit ng DFA na mahalaga politically at legally ang mga diplomatic protest dahil mapagbabatayan ng mga aksyon na maaaring gawin ng gobyerno sa hinaharap.

Show comments