^

Police Metro

Matandang bading minaso sa ulo ng batang lover

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 67-an­yos na lalaki na umano’y bakla nang hatawin ng maso sa ulo ng kanyang 19-anyos na lover boy habang nag-iinuman sa Sitio Sibog, Brgy. Rio Chico, Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Ang nasawi ay kinila­lang si Corseno Manuel, residente ng naturang lugar, habang naaresto sa follow-up operation ang suspek na si Joshua Rano, binata, ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-4:30 ng hapon ay masaya umanong nag-iinuman ang dalawa nang bigla na lamang magtalo sa hindi pa batid na kadahilanan.

Sa gitna ng pagtatalo ay nakakuha ng maso ang suspek at hinataw nito sa ulo ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito. Kinasuhan ng pulisya ang suspek ng murder.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with