_pang-masa
^

Police Metro

33.3 milyong Pinoy fully vaccinated na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umabot na sa 33.3 mil­yong indibidwal o 39% ng eligible population sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang 39% ay base sa populasyong pinapayagang magpabakuna na katumbas ng 84 milyon.

Nilinaw naman na malayo pa ito sa target ng gobyerno na mabakunahan ang 80% ng 109 milyong populasyon bago sumapit ang Mayo 9, 2022.

Paiigtingin naman ng DOH ang kanilang pagtuturok sa pamamagitan ng tatlong araw na ‘national vaccination campaign’ at tinawag na “Bayanihan, Bakunahan.”

Prayoridad aniya rito ang mga hindi pa bakunadong indibidwal ngunit hindi pa napagdedesisyunan kung isasama rito ang booster shots.Isasagawa ang inoculation drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with