Guro na magpapabakuna kontra COVID-19, bibigyan ng insentibo — DepEd
MANILA, Philippines — Bibigyan ng insentibo ang mga guro na magpapabakuna laban sa COVID-19.
Ito ang sinabi kahapon ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcolm Garma kaya’t bumuo na si Education Secretary Leonor Briones ng komite para siyang mangasiwa sa naturang planong incentive program.
Pamumunuan ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla ang naturang komite, na siyang mag-aaral kung monetary o non-monetary incentive package ang ipagkakaloob sa mga guro.
Sinabi naman ni Briones na hindi lamang ang DepEd ang gagawa nito dahil marami na ring pribadong indibidwal, mga lokal na pamahalaan at mga ahensiya, ang nag-aalok na rin ng insentibo para mahikayat ang mga mamamayan na magpabakuna na.
- Latest