P7 milyong halaga ng ecstasy nasamsam

MANILA, Philippines — Nasa 3,865 piraso ng ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P7 milyon galing Germany ang nasamsam sa Central Mail Distribution Center, Pasay City.

“Initial examination of the parcel revealed 2 improvised pouches which contained a total of 3,865 hexagon tablets later verified and confirmed as ecstasy tablets,” ayon kay Port of Manila District Customs Collector Mimel Talusan.

Sinabi pa ni Talusan, na ang mga nakumpiskang ­ecstasy ay inilipat na sa pag-iingat ng PDEA.

Hindi muna nagbigay ng ibang detalye si Talusan habang iniimbestigahan ang kasong ito.

Show comments