Bangko hinoldap ng nag-iisang lalaki

MANILA, Philippines — Isang bangko ang hinoldap ng nag-iisang lalaki kahapon ng hapon sa may Pandacan, Maynila at matagumpay na nakatakas sakay ng motorsiklo.

Sa inisyal na ulat, ala-1:56 ng hapon nang holdapin ng nag-iisang suspek ang Chinabank-Otis Branch at nang matangay ang hindi pa batid na halaga ay tumakas ang salarin lulan ng isang itim na Nmax type scooter patungo sa direksyon ng Nagtahan bridge.

Sinabi ni Manila Police District Director, PBGen Leo Francisco, wala namang nasaktan sa mga tauhan ng bangko at patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Pandacan Police Station 10 habang isinusulat ito.

“Wala pang dinidisclose kung magkano ang nakuha. Sa physical na report ng imbestigador, Ok naman ang bank employees. Sa pakikipag-usap sa bank manager, wala namang nababanggit na may nangyaring ibang insidente sa loob,” ayon kay Francisco.

Show comments