_pang-masa
^

Police Metro

SMC Pres. Ang, pinuri si Tugade

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinapurihan ni San Miguel Corporation (SMC) President Ramon Ang si Transportation Secretary Arthur Tugade kaugnay sa mga nagawa nito sa pamahalaan.

Sa kanyang pahayag sa groundbreaking cere­mony ng Pasig River Expressway, sinabi ni Ang na isa ang kalihim sa mga nakatrabaho at nakatransaksyon niya na tapat, matalino at masipag.

Sabi ni Ang, “Alam mo, bihira ka makakita ng public official na tapat at mahusay. Ito po si (Sec. Tugade) tapat at mahusay na tao, kaya lang mahirap kausap ito, suplado talaga ito. Talagang sobrang higpit sa rules and regulations.”

Iginiit ng negosyante na dahil kay Tugade, nagbigay ang SMC ng libreng daan sa mga tollway para sa mga frontli­ner gayundin ang free fuel.

Kinausap din anya siya ni Tugade na huwag munang maningil noong binuksan ang Skyway Stage 3 at kahit bilyun-bilyon ang mawawala sa kanila ay pinagbigyan ito para na rin makatulong sa publiko ngayong nararanasan ang pandemya dulot ng COVID-19.

“Si Secretary Tugade sinabi niya sakin, ‘Ramon kailangan ng mga kababayan natin ang suporta, wag tayo mag-judge at ‘wag manghingi ng kung anong increases sa inyong mga tollway.

Ipakita natin sa ating mga kababayan na ginagawa natin ang lahat para makatulong maka­ginhawa sa mga kababayan natin,” dagdag pa ni Ang. Dahil dito, sinabi ni Ang na suportado niya ng 100% porsyento ang mga plano ng kalihim.

ARTHUR TUGADE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with