Nakatira at nagtatrabaho sa mga closed at long-term care facilities sa Quezon City, bakunahan

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni QC Mayor Joy Belmonte sa City Health Department (CHD) na bakunahan ang lahat ng indibidwal na naninirahan at nagtatrabaho sa mga closed at long-term care facilities sa Quezon City katulad ng ampunan, home care facilities, apostolate centers at rehabilitation centers sa lungsod.

Ang hakbang ay ginawa ni Mayor Belmonte nang iulat ni Dr Rolando Cruz, hepe ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) na sa 13 pasilidad na na-survey, mayroon itong 1,027 empleyado at kli­yente at ang 594 ay hindi pa nababakunahan ng first dose ng COVID vaccine.

Tiniyak naman ni Ma­yor Belmonte ang patuloy na pagkakaloob ng ayuda ng lokal na pamahalaan sa lahat ng closed at long term facilities para makontrol ang infection at hawaan ng virus sa pasilidad.

Nagpaabot din ng pakikiramay si Mayor Belmonte sa mga naulila ng mga madre sa RVM facility na namatay dahil sa COVID-19.

Show comments