Hawahan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba

MANILA, Philippines — Ngayong linggong ito ay bahagyang nagkaroon ng pagbaba ang hawahan ng COVID-19 sa Metro Manila. Bagama’t nakakapagtala ng mahigit sa 5,000 kaso kada araw.

Ayon kay Dr. Guido David ng Octa Research Group, nasa 1.34 ngayong linggong ito ang reproduction number o hawahan ng COVID-19  na mas mababa sa 1.39 reproduction number noong nagdaang linggo.

Ang NCR ay may  average  na  5,854  kada araw na kaso sa nagdaang linggo na may growth rate na 11%.

Noong Martes ay nagtala ng 18,056 bagong kaso at umabot na sa 2,266,066 ang kaso sa Pilipinas.- Danilo Garcia

Show comments