^

Police Metro

2 namemeke ng swab test results at vax card,tiklo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang inaresto ng mga otoridad sa aktong gumagawa ng pekeng vaccination card at negative swab result sa isinagawang  pagsalakay ng Manila Police District sa Quiapo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang mga nadakip na sina Edito Pan, 41, encoder, nakatira sa No. 968 R. Hidalgo St., Brgy 393 Zone 40, Quiapo, Manila; at Jimmy Santisima Jr., 31, helper, at nakatira sa No. 2473 Nickel St., Brgy 773 Zone 84, San Andres Bukid, ng naturang lungsod.

Sa ulat, unang nakatanggap ng impormasyon ang District Police Intelligence and Operations Unit (DPIOU) ukol sa ilegal na paggawa at pagbebenta ng mga pekeng ‘vaccination cards’ at maging ng RT-PCR test results ng mga suspek.

Nagkasa ng ‘surveillance operation’ ang mga pulis at nakumpirma ang ilegal na aktibidad sa pagawaan ng mga suspek sa may No. 968 R. Hidalgo Street, Quiapo at ikinasa ang ‘buy-bust operation’ ang DPIOU na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.

Nakumpiska sa kanila ang tatlong pekeng ‘RT-PCR confirmatory certificates’ na may logo ng Department of Health at San Lazaro Hospital na nakapangalan sa iba’t ibang tao, isang COVID-19 Vaccination Card, isang laptop computer, isang printer, isang dry seal stamp at ang ginamit na marked money na nagkakahalaga ng P500.

Nakaditine ngayon ang dalawang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 175 ng Revised Penal Code (Falsification of Public Documents and Certificates) at Sec 9 (b) (Tampering of Records or Intentionally Providing Misinformation) ng R.A. 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act). - Doris Franche

SWAB TEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with