_pang-masa
^

Police Metro

Gumagamit ng pangalan ni Mayor Sara 6 ex-member ng crime group sumuko

Ludy Bermudo - Pang-masa
Gumagamit ng pangalan ni Mayor Sara 6 ex-member ng crime group sumuko
Sinabi sa pulong-balitaan ni RID chief, P/Col. Hansel Marantan at NCRPO Legal Officer P/Col. Joseph Orsos, ang anim ay kabilang sa sindikatong nabanggit na ang modus ay manloko at magpanggap umanong mga opisyal ng gobyerno at nanghihingi ng pera sa mga negosyante para sa pondo sa pagtakbo ni Sara kapalit ng makukuhang kontrata sa gobyerno.
The STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Anim na dating miyembro ng Cerbito-Fernandez Segundo Crime Group na sangkot sa pangangalap ng pondo para sa pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte, ang sumuko sa mga awtoridad, ayon sa Regional Intelligence Division ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi sa pulong-balitaan ni RID chief, P/Col. Hansel Marantan at NCRPO Legal Officer P/Col. Joseph Orsos, ang anim ay kabilang sa sindikatong nabanggit na ang modus ay manloko at magpanggap umanong mga opisyal ng gobyerno at nanghihingi ng pera sa mga negosyante para sa pondo sa pagtakbo ni Sara kapalit ng makukuhang kontrata sa gobyerno.

Umaksyon ang NCRPO mula sa natanggap na reklamo mula mismo sa Davao City Police hinggil sa grupong nagpapakilalang si Assistant City Administrator Tristan Dwight Domingo at nanghihingi ng pera sa iba’t ibang contractors para sa kampanya umano ni Sara at iba pang programa tulad ng community pantry. Modus din nilang magpakilalang may koneksyon sa gobyerno at madaling makakuha ng contract o bidding.

Tinukoy ni Orsos ang operasyon ng grupo ay sa iba’t ibang bahagi ng Davao, Negros Oriental, Iloilo, Laguna, Quezon, Batangas at  marami pang ibang lugar.

Nasa 200 katao na umano ang nabiktima ng scam ng grupo.

SARA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with