_pang-masa
^

Police Metro

Pagbenta ng alak ipinagbawal din 8pm-4am curfew hour ipatutupad sa NCR

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pagbenta ng alak ipinagbawal din 8pm-4am curfew hour ipatutupad sa NCR
Ito ang sinabi ni Presi­dential Spokesperson Harry Roque, batay sa pinagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na iniulat naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipapatupad ang curfew hours simula 8:00 PM hanggang 4:00 AM sa Metro Manila kasabay ng pagpapairal ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) epektibo mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.

Ito ang sinabi ni Presi­dential Spokesperson Harry Roque, batay sa pinagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na iniulat naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos.

Ukol naman sa liquor ban ay ipinaubaya na ani­ya ito sa kanya-kanyang Local Government Units (LGUs).

‘So far, may mga LGUs nga na nagsasabi na wala silang liquor ban kamukha ng Makati, Taguig, Pasig at Las Piñas at sa nakikita namin .. ang Valenzuela, Mandaluyong, Parañaque, Pasay, Navotas, Pateros, Quezon City at San Juan ay may mga liquor ban. So, pagdating sa liquor ban ay kanya-kanya po. Iyong iba ay kino-collate pa lang namin sa ngayon.” - Malou Escudero

ECQ LIQUOR BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with