_pang-masa
^

Police Metro

Pasaway sa ECQ, babantayan ng PNP — Eleazar

Joy Cantos - Pang-masa
Pasaway sa ECQ, babantayan ng PNP â Eleazar
Members of the public, detained for roaming the streets without relevant passes amid the COVID-19 coronavirus pandemic, squat at a distance from one another as they are processed outside a police station at Quezon City in Manila on April 14, 2020.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Magtotodo-bantay ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga pasaway sa ipatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila na epektibo sa Agosto 6-20 upang mapigilan ang pagkalat ng bagong COVID-19 Delta variant.

“I have already instructed the RD, NCRPO, P/Maj.Gen Vicente Danao, Jr., to make sure that all the quarantine res­trictions that have been implemented before, including the deployment of appropriate number of PNP personnel and the coordination with Local Government Units for force multipliers, will be in place during that period,” pahayag ni PNP Chief P/Gen. Guil­lermo Eleazar Eleazar.
“Also, I would like to remind our personnel who will be deployed to enforce the ECQ to be courteous at all times and respect the rights of our kababayan especially in dealing with violators. Hindi kasama sa ating tungkulin ang pagpaparusa, pananakit at pagpapahiya sa mga violators,” dagdag ng PNP chief.

Sinabi ni Eleazar na sa ilalim ng ECQ, tanging mga APOR (Authorized Persons Outside Residence), medical health workers at essential workers) ang papayagang lumabas ng kanilang mga tahanan. Samantalang tanging ang mga essential establishments at industriya nito ang papayagan na magkaroon ng operasyon sa ilalim ng lockdown sa NCR.

Maglalagay rin ng mga checkpoint sa mga border control sa bawat  siyudad at bayan sa Metro Manila bilang bahagi ng paghihigpit sa mga interzonal travel.

Ani Eleazar, maaari lamang tumawid ng mga siyudad o lumabas at pumasok sa Metro Manila ay mga APOR pero dapat ay may kinalaman ito sa trabaho at kailangan lamang magpakita ng company ID o certificate of employment sa mga checkpoint.

ECQ PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with