_pang-masa
^

Police Metro

Road closures at traffic rerouting sa Quezon City sa SONA

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Quezon City Police District (QCPD) ng road closures at traffic rerouting scheme para sa idaraos na huling State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 26.

Sa paabiso ng QCPD, pinayuhan nito ang mga motorista na bumibiyahe sa mga lansangan sa Quezon City na humanap ng alternatibong ruta dahil sa pagsasara nila sa bahagi ng Commonwealth Avenue.

Ngayong Linggo, Hulyo 25, ang buong northbound lane ng Commonwealth Avenue mula sa QC Memorial Circle/Philcoa hanggang Litex at IBP Road, ay lilinisin mula sa mga road at sidewalk obstructions habang ang mga sasakyang ilegal ang pagkakaparada ay ito-tow naman.

Ang northbound lane ng Commonwealth Ave­nue ay isasarado rin muna sa mga pribadong sasakyan mula alas-6:00 ng umaga. Maaari umanong dumaan ang mga ito sa North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan sa Visayas Avenue, kaliwa sa Congressional o Tandang Sora Avenue, labas sa Mindanao Avenue, kanan sa Quirino Highway patu­ngong Commonwealth Extension, at daraan sa right turn ng S&R Shopping Store landmark patungong southbound lane.

Ang buong kahabaan ng IBP ay ilalagay naman sa lockdown dahil sa inaasahang pagbibigay ng daloy ng trapiko.

 

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with