_pang-masa
^
Mga senador nagluksa sa pagpanaw ni Noynoy
Nagpasalamat din si Drilon na nagkaroon siya ng oportunidad na makatrabaho si PNoy noong siya pa ang pangulo ng bansa.
The STAR/Geremy Pintolo

Mga senador nagluksa sa pagpanaw ni Noynoy

Malou Escudero (Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagluksa at nagpahayag nang pakikiramay ang mga senador na da­ting nakasama at naging kaibigan ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, nagluluksa siya sa pagkawala ng isang mabuting kaibigan at isang maginoo na matapat na naglingkod sa bansa.

Nagpasalamat din si Drilon na nagkaroon siya ng oportunidad na makatrabaho si PNoy noong siya pa ang pangulo ng bansa.

Ayon naman kay Sen. Joel Villanueva, pakiramdam niya ay nadurog siya nang malaman na wala na si Aquino na itinuring aniya niyang kapatid at mentor.

Inilarawan naman ni Sen. Ralph Recto si PNoy na isang taong may paninindigan.

Nagpasalamat naman si Sen. Grace Poe  kay PNoy na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maglingkod sa publiko.

Maging si Sen. Imee Marcos na nagparating din ng pakikiramay sa mga naiwan ni Aquino at sinabi pa na kilala niya ito bilang isang mabait at simpleng tao.

Agad ring inilagay sa half mast ang bandila sa harap ng Senado matapos mapaulat ang pagpanaw ng dating presidente.

BENIGNO AQUINO III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with