^

Police Metro

‘Delta plus’ bagong COVID-19 variant sa India

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makaraan ang halos dalawang dosena na ang dinadapuan ay idineklara ng pamahalaan sa India na ‘variant of concern’ ang bagong uri ng Delta COVID-19 variant.

Ayon sa India Health Ministry na tinukoy ang variant na AY.1 o lokal na tinatawag na Delta Plus at unang natukoy sa Europa.

May 22 kaso na nito sa India at natukoy sa mga estado ng Maharashtra, Kerala at Madhya Pradesh.

Pinayuhan na ang tatlong estado na palakasin pa ang kanilang testing sa populasyon para matukoy kung gaano kakalat ang virus.

Ayon sa Indian SARS-CoV-2 Genomic Consortia (INSACOG), may tatlong katangian ang bagong variant. Una, mas mabilis itong maihawa; ikalawa, bumabalot ito sa mga cells ng baga; at ikatlo, may posibilidad na makakaiwas ito sa antibody ng tao.

Nabuo ang Delta Plus variant dahil sa mutation ng orihinal na Delta strain na unang natagpuan sa India at tinutukoy na dahilan ng matinding ‘second wave’ ng virus sa naturang bansa na kung hindi agad maaksyunan ay pinangangambahan na maaaring magdulot ng ikatlong wave ang naturang variant.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with