_pang-masa
^
Duterte ekis pa rin ang face-to-face classes
Sinabi mismo ni Duterte kay Education Secretary Leonor Briones sa meeting ng Inter-Agency Task Force kamakalawa na mahirap ipagsapalaran ang kalusugan ng mga bata.
AFP/Ted Aljibe

Duterte ekis pa rin ang face-to-face classes

Malou Escudero (Pang-masa) - June 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangga’t hindi nagkakaroon ng herd immunity ang mga mamamayan laban sa COVID-19 ay ayaw pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang face-to-face classes.

Sinabi mismo ni Duterte kay Education Secretary Leonor Briones sa meeting ng Inter-Agency Task Force kamakalawa na mahirap ipagsapalaran ang kalusugan ng mga bata.

“Dito sa face-to-face, I think I am not inclined to agree with you. I’m sorry but, mahirap, I cannot gamble on the health of the children,” ani Duterte kay Briones.

Tiniyak naman ni Duterte na may pondo para ibili ng bakuna na puwede pang sumobra.

Sumang-ayon naman si Briones kay  Duterte na tiniyak din na naghahanda ang DepEd sa face-to-face classes sakaling bumaba na ang bilang ng may COVID-19.

Nauna rito, ipinanukala ng DepEd ang pagdaraos ng face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Related video:

 

FACE TO FACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with