_pang-masa
^
250K Moderna vaccine darating na sa bansa
Ito ang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kung saan kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.
AFP/MADDIE MEYER/GETTY IMAGES NORTH AMERICA

250K Moderna vaccine darating na sa bansa

Gemma Garcia (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 250,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine ang nakatakdang dumating sa bansa sa Hunyo 27.

Ito ang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kung saan kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.

Idinagdag pa ni Gal­vez, darating din sa Hun­yo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac vaccine at nga­yong buwan din ay dara­ting ang mahigit 150,000 dose ng Sputnik V.

Inaasahan din na bago matapos ang buwan ay matatanggap na ng bansa ang donasyong bakuna ng Estados Unidos at bubuhos din ang suplay ng bakuna sa Hulyo na aabot sa 12 milyong dose ng COVID vaccine.

Sa kabuuan, nakatanggap na ng 14,205,870 dose ng bakuna ang bansa na binili ng gobyerno at pribadong sektor kasama ang mga donasyon.

Ngayong Hulyo ay inaasahang darating sa bansa ang 11,670,000 bakuna, kabilang dito ang 4.5 million Sinovac doses, 1 million Moder­na vaccine doses, 1 million Sputnik V vaccine dose, 1.17 million AstraZeneca vaccine doses na binili ng mga pribadong sektor at 4 million doses ng AstraZeneca o Pfi­zer-BioNTech vaccines mula naman sa COVAX facility.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with