_pang-masa
^
Overseas deployment limit sa healthcare workers tinaasan
Magugunita na nauna nang sinuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapadala ng mga nars sa ibang bansa matapos na maabot ang 5,000 cap.
The STAR/Walter Bollozos

Overseas deployment limit sa healthcare workers tinaasan

Malou Escudero (Pang-masa) - June 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na mula sa 5,000 ay tinaasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa 6,500 ang bilang ng mga healthcare workers (HCWs) na maaaring lumabas ng bansa kada taon.

Ang mga healthcare worker na may kumpletong kontrata na mula noong Mayo 31 ay kasama sa pinalawig na limitasyon.

Magugunita na nauna nang sinuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapadala ng mga nars sa ibang bansa matapos na maabot ang 5,000 cap.

Ang nasabing limitasyon ay ipinataw noong 2020 dahil na rin sa pa­ngangailangan ng bansa ng mga tutugon sa pandemya.

Inihayag din ni Roque na inilipat ng IATF ang petsa nang pagpapatupad ng mas maikling quarantine period ng mga indibiduwal na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID- 19 mula June 16 sa June 22.

Ang mas maikling quarantine ay ipinako sa pitong araw mula sa 14 na araw na mandatory quarantine kung saan ang 10 araw ay dapat ilagi sa isang government quarantine facility at ang natitirang araw ay sa loob ng bahay.

HEALTHCARE WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with