_pang-masa
^
Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bumagsak ng 27%
“The average new COVID-19 cases per day in the NCR decreased by 27 percent to 1,479 for the period from May 10 to 16, 2021,” ayon sa OCTA sa pinakahuling bulletin na inilabas nitong Lunes.
AFP/Jam Sta. Rosa

Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bumagsak ng 27%

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ayon sa OCTA Research Group, na bumaba ang average na arawang kaso ng COVID-19 ng 27 porsyento sa Metro Manila sa pagitan ng Mayo 10-16.

“The average new COVID-19 cases per day in the NCR decreased by 27 percent to 1,479 for the period from May 10 to 16, 2021,” ayon sa OCTA sa pinakahuling bulletin na inilabas nitong Lunes.

Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, ito ay magandang improvement mula sa dating 1,930 daily new cases.

Bumaba rin sa 0.57 ang reproduction number sa NCR, o ang bilang ng mga taong naihahawa ng isang pasyente ang sakit.

Habang ang positi­vity rate ay bumaba rin sa 11%. Dobleng mataas pa ito sa ideyal na 5% na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Ang Average Daily Attack Rate (ADAR) naman sa NCR ay nasa 10.71 per 100,000 populasyon. Itinuturing na ‘high risk’ pa ito at dapat na mas mapababa pa sa 10.

Base sa DOH guidelines, pitong local government units (LGUs) na ang klasipikado bilang moderate risk, kabilang dito ang Navotas, Malabon, Manila, Ta­guig, Caloocan, Pasay at Muntinlupa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with