_pang-masa
^

Trader pinalamon ng bala sa Bulacan restoran

Omar Padilla (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 39-anyos na negosyante nang pagbabarilin habang naghahapunan sa loob ng isang restoran sa Meycauayan, Bulacan, kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Samuel Mora, habang sugatan din ang kasamahan niyang si Howard Tan nang pagbabarilin sa loob ng Chinese restaurant.

Base sa imbestigasyon, nakasuot umano ng sumbrerong itim, dilaw na damit at maong na salawal ang hindi pa nakilalang suspek.

Sa report ng Meycauayan police, nangyari ang insidente bandang alas-4:13  ng hapon, sa Brgy. Malhacan ng naturang lungsod.

Sa salaysay ng isang waiter sa pulisya, ang suspek ay umorder pa ng beef brisket at nakaupo sa kabilang upuan malapit sa mesa nina Mora at Tan.

Nang makatiyempo, biglang bumunot ng baril ang suspek hanggang sa pagbabarilin si Mora habang tinamaan din ang katabing si Tan.

Sinasabing nagtamo ng maraming tama ng bala ang katawan ng biktima na agarang ikinamatay nito.

Tumakas ang hindi nakilalang salarin patungo sa kanlurang direksyon ng MacArthur Hi-way.

Isinugod naman ang sugatang si Tan sa Chinese General Hospital sa Maynila.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with