_pang-masa
^

Pulis itinumba ng tandem

Doris Franche (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang pulis ang namatay noon din matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si PCpl Ruben Tan, 28, nakatalaga sa Sta. Quiteria Police Sub-Station (SS-6) ng Caloocan City Police at residente ng No. 254 Amaya’s St. Baesa, Brgy. 161.

Sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-7:47 sa kahabaan ng Ignacio Compound, Brgy. 162, ng lungsod ay sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo at habang tinatahak ang naturang lugar nang sumulpot mula sa likod ang mga suspek na magkaangkas sa isang N-Max na motorsiklo at pinagbabaril si Tan.

Tinangka ng biktima na gumanti, subalit muli siyang pinaputukan ng mga salarin sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan ang duguan at walang buhay ng biktima.

RIDING IN TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with