1.6 milyong doses ng AstraZeneca naibigay na sa mga LGUs

MANILA, Philippines — Nasa 1.6 milyong doses o 82 porsiyento ng AstraZeneca ang naipamahagi na sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) sa buong bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje ng National Vaccination operations  Center sa Laging Handa public hearing na mayroon pang 361,000 doses ang naghihintay ngayon ng mga flights  para madala sa iba’t ibang rehiyon.

Habang sa Pfizer naman ay 84,000 doses na ang nadeploy at itutuloy pa rin umano sa mga siyudad sa National Capital Region (NCR) at gayundin sa mga hindi pa nabigyan.

Paliwanag ni Cabotaje, target nilang maabot ang 70,000 mababakunahan kada araw para maabot ang 100,000 hanggang 200,000 na mababakunahan kada araw sa pagdating ng bakuna sa susunod na quarter.

Naniniwala rin siya na dahil marami nang bakuna dapat ay maabot na ang target jabs per day at kaila­ngan din mapalawig ang kasalukuyang vaccination site na 1,000.

Kung sa 1,000 vaccination site umano ay nakakapag-record ng tig-10,000 nababakunahan kada araw ay nasa 100,000 ang nababakunahan araw-araw.

Show comments