Indian COVID-19 variant nasa Pinas na

Sa media forum kahapon ng Department of Health (DOH) na kabilang sa dalawang kaso ang isang 37-taong gulang na lalaking OFW mula sa Oman at ngayon ay nasa Region 12 na dumating sa Pilipinas nitong Abril 10 at nakuhaan ng kaniyang specimen makaraan ang limang araw.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nakapasok na sa bansa ang Indian variant ng COVID-19 makaraang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Gitnang Silangan ang nagpositibo sa ginawang ‘genome sequencing’ ng pamahalaan.

Sa media forum kahapon ng Department of Health (DOH) na kabilang sa dalawang kaso ang isang 37-taong gulang na lalaking OFW mula sa Oman at ngayon ay nasa Region 12 na dumating sa Pilipinas nitong Abril 10 at nakuhaan ng kaniyang specimen makaraan ang limang araw.

Nasa isolation na ito sa isang hotel sa National Capital Region at na­karekober na nitong Abril 26 at  Mayo 3 nang mag-negatibo na siya sa RT-PCR test at kasalukuyang asymptomatic.

Ang ikalawang kaso ay isang 58-anyos na seaman na nagmula sa United Arab Emirates at kasalukuyang nasa Bicol Region.  Duma­ting siya ng bansa nitong Abril 19 at nakunan ng specimen nitong Abril 24.

Isinailalim siya sa isolation sa Clark, Pampanga at nakarekober na nitong Mayo 6.  Kasalukuyan rin siyang walang sintomas ngayon.

“Dahil ang ating mga kaso pagdating ay nalagay sa quarantine, wala po tayong nadetect na close contacts... As of now, the information we got is they have no travel history from India,”  ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Matatandaang umaabot sa 4,000 katao ang naitatalang namamatay sa India kada araw dahil sa COVID-19.

Nagpapatupad sa kasalukuyan ang pamahalaan ng travel ban sa India at iba pang bansa na kalapit nito sa Gitnang Asya.

Show comments