QC government, nagbigay ng 1.2 milyong face masks

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Quezon City government ang pamamahagi ng 1.2 milyong face masks at 300,000 face shields sa mga indigent residents mula sa 142 barangays ng lungsod.

Partikular na benepisyaryo ng face mask at face shield ay ang vendors,TODA drivers at senior citizens.

 “We are giving out more face masks and face shields especially to our indigent residents who cannot afford to buy, so that hopefully we can reduce the number of health protocol violators,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte .

Pinaalalahanan din ni Belmonte ang mga taga-QC na huwag kakalimutang sundin ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask .

Ang panawagang ito ni Belmonte ay ginawa nang maiulat sa kanya ang mataas na bilang ng mga taong nahuhuli sa hindi pagsusuot ng face mask na karamihan ay mula sa vulnerable sectors.

Sa ulat ng pulisya, may kabuuang 825 indibidwal ang nahuli noong May 6 hanggang May 11 dahil sa paglabag sa ordinansa sa hindi pagsusuot ng face mask at face shield.

Show comments